PALAWAN



Ang Palawan ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan Timog Katagalugan. Ang kapital nito ay ang Lungsod ng Puerto Princesa ang pinakamalaking lalawigan sang-ayon sa laki ng lupain. Bumabagtas ang mga pulo ng Palawan mula sa Mindoro hanggang Borneo patungong timog-kanluran. Matatagpuan ito sa pagitan ng Dagat Timog Tsina sa hilangang-kanluran at Dagat Sulu sa timog-silangan. Pinangalan ang lalawigan sa pinakamalaking pulo ang Pulo ng Palawan.

MGA IPINAGMAMALAKING PASYALAN

Kung tayo ay mamasyal, magbabakasyon o magpapalipas ng oras. Bakit hindi
na natin ito sulitin? Maaaring puntahan ang mga lugar na ito na siguradong hindi nakakasayang sa pera. Kung makakapunta dito au makikita ng iyong mga mata na alagang-alaga ito



Coron Reefs, Coron Bay, Busuanga



Ang ‘Coron Reefs, Coron Bay, Busuanga’ ay matatagpuan sa Coron Bay. Ang Isla Coron ay isa sa pinakamalaking naitalang limestone formation sa mundo at nasa pinakahilagang bahagi ng lalawigan ng Palawan, MIMAROPA, Mindanao, Pilipinas. Malaking bahagi nito ay sakop ng mga barangay ng Banuang Daan at Cabugao sa munisipyo ng Coron. Kabilang din ang isla sa Grupo ng mga Isla ng Calamian na nasa Katimugang Dagat Tsina. Tinatawag din itong Bundok Calis dahil sa ito ay bundok na gawa sa limestone. Ang klase ng limestone ay halos puro Permian at mula pa sa Panahong Jurassic. Ang Isla Coron ay napabilang sa mga nominadong nasa Tentative List ng UNESCO World Heritage Sites noong 2006

El Nido Marine Reserve Park


Ang Bayan ng El Nido ay isang bayan at marine reserve park sa lalawigan ng Palawan, Pilipinas. Ang bayan ay makikita sa pinakahilagang dulo ng pulo ng Palawan.
Ito ay binubuo ng 45 na mga pulo na may iba't ibang itsura at porma. Katulad ng kabuuang Palawan, ang El Nido ay kabilang sa Eurasian Plate, isang plate na hiwalay sa Philippine Plate na siyang kinabibilangan ng kabuuang bansa.
Ang mga limestone cliffs na matatagpuan dito ay katulad ng mga matatagpuan sa Ha Long Bay sa Vietnam, Krabi sa Tailanda at Guillin sa Tsina na bahagi rin ng Eurasian Plate

UNESCO World Heritage Sites
·       Puerto-Princesa Subterranean River National Park (1999)

Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park ay idineklarang isang UNESCO World Heritage Site at kabilang sa New Seven Wonders of Nature na. Matatagpuan ito sa Palawan, humigit-kumulang 50 kilometro sa hilaga ang layo mula sa siuydad ng Lungsod Puerto Princesa. Ito ay itinuturing na pinakamahabang maaring daanan na underground river sa buong mundo.
Ang National Park ay bahagi ng Saint Paul Mountain Range na matatagpuan sa hilagang bahagi ng isla. Ang malawak na kuwebang limestone na ito ay mararating ng dalawang oras mula sa lungsod at dahil sa pambihirang ganda ng kalikasan, nahihikayat nito ang libu-libong mga turista kada-taon kung kaya't napasama ito sa listahan ng kandidato para sa paghanap ng New Seven Wonders of the World.

JOHN PAUL CALIMLIM
RIA MAY SABADO
JESSA MAE SINLAO
FRANCESS AIYANNA SARMIENTO


You Might Also Like

0 comments