Ang Cebu ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Visayas. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Cebu. Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang sentro ng kalakalan, komersyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas. Maraming mga hotel, casino, mga beaches, at iba pang pook pasyalan ang matatagpuan sa lalawigan.
May mga lalawigan na may mga mala-paraiso ang dating kaya mas nahihirapan ang mga Pilipino na kumuha ng mga litrato nito. Ang pagbisita sa lugar na ito ay napakasulit dahil sa napakadaming tanawin at mga pook-pasyalan na matatagpuan dito.
Bukod sa mga magagandang tanawin at pook-pasyalan sa Cebu, ito rin ay may maraming napakagandang produkto. Na kong saan dinarayo ng turista dahil sa kalidad nito.
MGA PANGUNAHING PRODUKTO
LECHON
Hindi raw kumpleto ang iyong pagpunta sa Cebu kung hindi mo matitikman
ang ipinagmamalaki nilang lechon Cebu. Bukod sa malutong nitong balat na
marahang niluto sa katamtamang baga habang pinapahiran ng sabaw ng buko, isa sa
pinakatatagong sikretong pampalasa na inilalagay sa tiyan ng baboy habang
nile-lechon.
CRUZAN CRABS
Isa pa sa ipinagmamalaking
pagkain sa Cebu ang Cruzan Crabs o mga naglalakihang alimango na nakukuha sa
Bantayan Island. Dahil sa hinahanap-hanap na rin ito ng mga turista, inaangkat
na rin ang mga Cruzan Crab palabas ng bansa. Pero bukod sa mga alimango, hinuhuli
rin ng mga mangingisda ng Bantayan Island ang pagi o stingray.
BAKASI
Dinarayo naman sa Cordova
Cebu ang isang exotic food – ang bakasi. Isang uri ng sea eel ang bakasi na
karaniwang hinuhuli ng mangingisda sa pamamagitan ng bantak. Bawat tabo ng
bakasi na kanilang mahuhuli ay katumbas ng walumpung piso.
Bukod sa mga pagkain, binibisita rin ang Cebu dahil sa naggagandahan nitong pasyalan tulad ng labing isang ektaryang Plantation Bay Resort and Spa na matatagpuan sa isla ng Mactan. Bukod sa Spa, iba’t-ibang aqua sports and activities din ang maaaring gawin dito ng buong pamilya gaya ng snorkling, diving, parasailing, banana boat ride at pagsakay sa jetski. Maaari ring subukan ng mga bisita rito ang wall climbing, archery, indoor firing range at arcade
GITARA
Isa sa pinakasikat na
pagawaan ng gitara sa Cebu. Paggawa kasi ng gitara ang isa sa pangunahing
industriya sa probinsiya kaya ng bisitahin ni Jay ang pagawaan ng Alegre
Guitars, iba’t- ibang klase ng gitara ang makikita at masusubukan.
KAKAYAHANG PANGDISKURSO
Ang pangalang Cebu ay
nakuha galing sa salitang “Sugbo” na ibig sabihin ay “maglakad sa
tubig”,inilarawan nito ang mga mangangalakal na dumadayo dito ay nakasakay sa
barko o sasakyang pang dagat lamang. Cebu, o ang tinagurIang “Queen City of the South”,
nagbibigay alaala na ikaiinteresan ng mga tao. Ito ay nagsimula sa isang
tahimik na bayang pangisdaan noong 1521.Dumating si Magellan dito at naglagay ng Krus nagawa ng
kahoy, ito ay naging unang symobolo ng Kristianismo sa Cebu. Ang binangit na Krus
ay matatagpuan ngayon sa Magallanes, isang kalye na pinangalan galing kay
Fernando de Magallanes. Ang lalawigang ito ay dinaryo dahil sa magandang tanawin at pook-pasyalan. At ito ay mayaman sa mga produkto, kaya't isa ito sa pinakadarayo na lugar sa Pilipinas.
LEYLU REPATO
ARIZA MAE MALICDEM
HEZEKIAH NAVORA
SHEENA PANINGBATAN
ADRIAN PAUL ZACARIAS
0 comments